Saturday 25 June 2011

Maikling kwento tungkol sa Pag-ibig

Mahal Kita Nuon Paman
Ayza Zuhranie U. Serad

Isang mahiyain at mahinhin na dalagita si Mara Ariano o mas kilala bilang “mara” mahilig siyang tunutukso  ng kanyang mga kaibigan na sina Shy, Baby at Lai dahil sa kanyang munting mithiin na mapansin ng kanyang binatang guro na si Wendel Lopez o mas kilala bilang Sir Bhazs. 4 na taon nang may gusto si Mara kay Sir.Bhazs. Nakilala niya si Bhazs nung 1st year siya naging adviser nila ito, dahil dun din na siya mapakali Di matanggal ang ngiti sa kanyang mukha pag nakikita niya si Bhazs. Kasalukuyang 4th year na ngaun si Mara at nasa room sila nang mapansin ng kaibigan niya na si shy na nkangiti nanaman si mara sabi niya “nababaliw kana talga mara para kang ewan, nakangiti ng walang dahilan!” dugtong rin ni Baby “BALIW! Baliw na siya!” sagot naman ni mara “hindi naman, bakit bawal bang ngumiti?” kumanta bigla si Lai ng “ina-oh piliang ko na andito ka sa puso ko” tumawa bigla si Shy at Baby sabay tanung “anung klasing kanta yan? HA-HA-HA” “kanta yan ni mara kay Sir.Bhazs” sagot ni Lai. Natawa tuloy si mara at na mula. Sabi ni Baby kay mara “Ang cheap naman ng kanta mo!” tawa ng tawa ang tatlo. Nainis si mara at sabay sabing “EH! Paki niyo  ba!? Ikaw shy parang wala ka ring Gusto kay Omar, ikaw rin Baby si Lang-Lang at Lai diba si RonRon gusto mo rin!?” tunong galit na si mara. Pabiro naman siyang sinagot ni Shy “Bat di ka nalang mag tapat sakanya? He-He-He” dugtong ni Lai “Di niya yan kayang gawin natatakot siyang maBasted ni Sir.Bhazs. Umalis si bigla si mara “saan pupunta yun?” tanong ni Baby “mag susumbong kay Sir He-He” sabi ni Lai. Maraming araw na hindi pinansin ni mara ang tatlo niyang kaibigan. Isang gabi napagisip-isip rin na mara yun sinabi ni Lai “Bat di ko rin kaya gawin yun?” sabi ni mara sa sarili “eh! Nahihiya ako, baka dedmahin nlang niya ako…” dugtong niya “hay! Bwes*t na buhay toh! Bakit ba kasi ako nag kagusto sa teacher nay un!” inis na sinabi sa sarili. “anu ba dapat kung gawin?” malungkot na sinabi sa sarili.
Kinaumagahan lumapit si Shy kay mara sabay sabing “Uyy! Mara tumigil kna nga sa kaCornihan mo!” “alam kung gagawin ko kay Sir.Bhazs!” sabi ni mara kay Shy at parang pursigido sa gagawin. “huh? Seryoso ka gang??” nag tatakang tanung ni Shy.
Nung araw ng graduation nina mara  yun na rin ang araw na inaantay ni mara. Nag uusap-usap ang mag kakaibigan habang tinatawag na ang mga graduates “mara seryoso kaba sa gagawin mo?” tanung ni shy “Oo seryosong seryoso ako!” sagot ni mara “hala! Good luck nalang sayo.” Sabi naman ni Lai kay mara “Alam mo mara magi sip isip ka muna?! Baka mapahiya ka lang.” sabi naman ni Baby. Nakangiti parin si Mara at parang walang naririnig.
Pag katapos ng graduation nag aabang si mara sa Labas ng stadium at my dala-dalng rosas. Dinaanan siya ng kanyang kaclasing lalake “Hoy! Mara? Bat ka anjan? Nag tatago kaba?”  tanung ng lalaki “ahh? Hindi may hinahanap ako..” gulat na sagot ni mara “anjan ka pala” dugtong pa niya “hindi wala ako dito, hangin kausap mo” pabirong sagot ng lalaki natawa tuloy si mara. “ikaw talga! Para kang si Vice Ganda” sabi naman ni mara “ sige alis na ako hinahanap na ako ni nanay! Congrats pala!” nag papaalam na ang lalaki kay mara “sige Congrats din. Bye!” sagot naman ni mara.
Umalis na ang lalaki at si mara ay andun parin sa kinatatayuan niya nag aantay kay Bhazs. Ilang minuto nakita na rin niya si Bhazs tumakbo siyang papalapit sakanya. “Uhm’ SIR!” hinihingal na tawag ni mara kay Bhazs ”oh? Mara, Congratulation pala” pangiting sagot ng guro kay  Mara. Hindi makapag salita si mara para siyang naging statwa ng makitang naka ngiti sakanya si Bhazs. “Mara do you have something to say?? “ tanung ng guro “aahh! Ano ba gagawin ko?? Ayokong mapahiya sa harap niya” sabi ni mara sa sarili  “Uhm’ sir ano kasi…” nakayukong sabi ni mara sa binata “Sir? Gusto kita!” nahihiyang sinabi ni mara. Nakayoko parin si mara ng sabihin niya iyon sa binata. Mabilis ang tibok ng kanyan puso sa pandaliang iyon. Nag salita bigla si Bhazs “Alam mo mara bata ka pa.” nakangiting abi ni Bhazs kay mara “pero Sir diba age doesn’t matter??” pag tatakang tanung ni mara “Oo pero sa palagay ko hindi ako bagay sayo” sagot naman ni Bhazs kay mara. “Sir naman gusto kita dati  pa hindi mo ban a papansin? Palibhasa hindi ako ako maganda” malungkot na sabi ni mara. “hindi mara! Maganda ka at kakaiba ka, kaso di lang talga ako bagay sayo. Sige ako’y aalis na mag iingat ka. Congratulation nga pala.” Iyon ang huling nasabi ni Bhazs kay mara at tumalikod na siya paalis at dahil sa sinabi ng binata di na maipinta ang mukha ni mara sobra ang kanyang sama ng loob.

Lumipas ang anim na taon di na nag kita si mara at si bhazs nag t-trabaho na si mara sa isang bangko sa maynila matagal na rin na hindi siya nakakauwi sakanila nang mapag isip isip niya na umuwi at bisitahin ang kanyang mga kaibigan. Ika 30 araw ng 30 umuwi siya sa kanilang bayan. Marami ang nag bago. Ang mga sangol pa nung siya’y umalis ngaun’y malalaki na.
Nang kinagabihan ng araw na iyon napaidlip itong si mara  Nakita niya si Bhazs nakangiti ito at sinabi sa dalagang “Nagagalak akong malaman na ikaw’y umuwi na rito” nagising bigla itong si mara “Huh? Panaginip lang pala…” sabi niya sa sarili “bakit kaya niya yun nasabi??” nag tatakang dugtong ni mara. Unang araw ng Pebrero namisita si mara sa kanyang dating paaralan. Nang papasok na siya may naka salubong siya na binata na pamilyar “pamilyar yung lalaking yun aa!” sabi nito sa sarili. Nagulat siya ng my sumugaw na babae “MARA!!!!!!” sigaw nito, “huh?” napatingin si mara, si Shy pala iyon ang kanyang kaibigan “Shy?” tanung ni mara “gaga oo ako nga” sagot niya “musta kana?” dugtong pa nito “mabuti naman. Bat ka andito??” tanung ulit ni mara “uhm’ dito naku nag tuturo” sagot naman ni Shy. “uhm’ parang nakita ko kanina si Bhazs??” sabi nito kay Shy. Di maka sagot itong si Shy “hoy! Nakita ko si Bhazs andito parin pala siya” sabi ulit ni mara kay Shy “Mag iisang taon nang patay si Bhazs.” Sagot naman ni Shy kay mara. Kinilabutan si mara dahil kanikanina lang parang nakasalubong niya ito “seryoso kaba?” tanung ni mara “Oo at kaarawan niya ngaun, pupunta kaming mga faculty sa bahay nila. Bibiitahin naman ang kanyang ina”sabi ni Shy kay Mara “pwede ba sumama?” tanung in mara “sige” sagot ni shy.
Nang mag uwian pumunta na dun ang mga katrabaho  dati ni Bhazs kasama si mara. Nang dumating sila doon nakita ni mara ang ina ni Bhazs na naka upo lang sa kanilang terase at naka tingin sa hardin nila. “magandang tanghali po” bati ng mga guro “magandang tanghali rin tuloy kayo” bati ng isang kapatid ni Bhazs. Pumasok ang mga guro pero si mara naiwan sa labas at pinag mamasdan ang ina ni Bhazs. “Iha? Bat di ka pumasok gaya ng mga kasama mo??” tanugn ng matanda kay mara “ahh? Po? Uhm’ sige po” sagot ni mara. Papasok na sana siya nang tawagin siya ng matanda “iha?” sabi ng matanda “po?” sagot naman ni mara “Ikaw ba si mara?” tanung ng matanda “huh? Opo, bat niyo po ako kilala???” nagtatakang sagot  ni mara “paano kita di makikila ee ikaw ang pinaka mamahal ng anak kung si Bhazs.. “ namula si mara ng marinig iyon sa matanda “huh? ee nay, panu niyo naman po yan nasabi??” tanung ni mara “tara at sumama  ka sakin.” Hinila ng matanda si mara papasok sa isang kwarto. Nag taka itong si mara sa sinabi sakanya ng nanay ni Bhazs. Nang dumating na sila sa kwartong iyon nakita niya ang malaki niyang picture na nakasabit sa dingding at naka frame ang panyo niya. parang deploma na finrame natawa tuloy siya “ano po ba ito?” tanung ni mara “ito ang kwarto ni wendel andito lahat ng alaala niya, karamihan dito ay sayo.” Paliwanag ng matanda. “may iniwan pala si Wendel na kahon para daw sayo. Teka at kunin ko” umalis muna ang matanda at si mara naman ay nag masidmasid sa paligid. Duon niya nakita ang mga regalo niya kay Bhazs at parang inalagaan ng mabuti ni gasgas wala. Pati ang t-shirt na pinagawa niya para kay Bhazs andun parin. Dumating ang matanda dala ang maliit na kahon “ito iha. Para daw yan sayo.” Sabi ng matanda kay mara,  lumapit naman si mara at binuksan ang kahon andun and mga Sim Card ni Bhazs, pictures ni mara, mga remembrance ni mara at ang isang sulat. “iwan na muna kita anak” aalis na ang matanda “cge po” sabi ni mara nang buklatin ni mara ang sulat ito ang nakalagay.

-------------------------------------

Mahal kung Mara

            Patawarin mo ako sa mga ginawa ko sayo, ang mga pag-iwas na ginawa ko at ang pagBasted sayo ng ika’y nag tapat ng pag mamahal mo saakin. Dahil sa natatakot akong maging dahilan nang pagiging pabaya ka sa pag-aaral mo dahil lang sa kasusunod sakin. Gusto ko rin mang ipag tapat sayo ang aking pag-ibig pero labag ito sa batas ng paaralan, masyado ka ring bata para mag mahal ng tulad ko. Patawarin mo ako.

P.S.
            Mahal Kita nuon paman.
Nag Mamahal
Wendel “Bhazs” Lopez

-------------------------------------

Hindi namalayan ni mara na tumutulo na pala ang kanyang mga luha nang binasa niya ang sulat ni bhazs para sakanya. “Mahal din kita mag pakaylan man” sabi ni mara para kay Bhazs


**WAKAS**

No comments:

Post a Comment